Entries for September, 2005

September 3rd, 2005

nagsimula na naman akong maglakad ng walang dereksyon

nakakapagod pero masaya kahit papano

may saysay pa ba ang lahat ng ginagawa ko

baka niloloko ko na lamang ang sarili ko?

kung pagod na ako,

ba't di pa ako tumigil?

may dahilan pa marahil..

tara....

sabi nila hindi mo daw malalaman ang tunay na pagkatao

sa mga nagawa nya o kinilos nya

kundi kung papano sya bumangon

sa kabila ng napakabigat na problemang dinanas nya

pakiramdam ko tuloy insekto ako

lumilipad sa masukal na gubat

Posted by errol at 09:13 AM in Mga kapit bahay..... | reaksyon??

to buy cd's.. please click.

Posted by errol at 05:45 PM in Mga kapit bahay..... as a favorite post | reaksyon??

September 4th, 2005

"ill have a one grande ice cofee please!" sabe ng isang konya girl nung nasa pilipinas pa ako.. Dumaan kame ni cake sa starbucks dun sa may SM. Ewan ko lang ha, pero tingin ko sa atin yung starbuck e ginagawa na nilang gimmick place. Para bang status symbol... Nakakatuwa naman, kase habang nakikita mo yung mga tao habang lumalaklak sila ng napakaraming caffeine sa katawan e tuwang tuwa pa. Sabi ko nga sa isa kong konyong kaklase ano bang meron sa starbucks? kung kape rin lang e di dun ka na lang kila aling beth (kainan sa may quiapo) o kaya e umattend ka sa mga lamayan, chak napakadaming kape dun. sabay sagot ng "you dont understand pareeee, starbucks coffee is different. oo nga, talagang different. mahal eh.. tas pagsinabi mo yan sa mga konyong anak ng dyos eh sasagutin ka lang ng.. "duh, starbucks is not just a coffee no.. they are ground beans and processed chocolate and skimmed milk! what do you know about that?" syet talga, tas pag nasa starbucks ka e kailangan bongga ung cellfon mo, sa dami ng mga tambay dun na puro magaganda ang cell. Tangina nagpapaloko lang tayo eh. pero eto pa ang matindi, pagdating ko dito sa qatar nalaman kong hindi lang pala tayo ang nabiktima ng halimaw na kung tawaging ay "starbucks". Pati mga Qatari eh ganun din ang gawain. kabulsyetan talaga.. well, thats life...

" please give me one black coffee please"

Posted by errol at 11:49 AM in Mga kapit bahay..... | 1 mga nakapansin

ito po ay isang tula na ginawa ng isang matalik na kaibigan na si Dan Gerald Gravela para sa pumanaw kong anak na si krinasia caitlin mamaclay

magiisang taon na rin, pero ang hirap pa rin tanggapin...

salamat chong!

Patawad munting Anghel,

Kung hindi mo nasilayan ang mundong ito,

Kung hindi mo naranasan ang halik at yakap,

Ng mga taong nagmamahal sa’yo..

Ikaw nga’y ipinagkaloob sa amin,

Ngunit saglit lang at ika’y binawing muli,

Siyam na buwan ang aming hinintay,

Ngunit ika’y binawian agad ng buhay..

Hindi man lang namin narinig,

Ang kauna-unahan mong pag-iyak,

Hindi man lang namin naranasan,

Ang ihahandog mo sanang kaligayahan..

Hindi ka namin malilimutan,

Ang unang Anghel sana ng barkada,

Baunin mo ang aming panalangin,

Paalam muli, munting Kerubin.. 

Posted by errol at 11:57 AM in Mga kapit bahay..... | reaksyon??

September 22nd, 2005

isang araw may isang anghel na bumaba para kausapin ako...

anghel: ano ginagawa mo?

Errol: wala....

anghel: wala kang pinagkakaabalahan?

Errol: meron...

anghel: ano?

Errol: eto ang pinagkakaabalahan ko, gumagawa ako ng wala...

anghel: wala kang ginagawa?

Errol: hinde! iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala... pumikit ka.. ano ang nakikita mo?

anghel: wala....

Errol: yan ang ginagawa ko, gumagawa ako ng wala...

anghel: pano yun? pano mo malalaman pag tapos ka ng gumawa ng wala?

Errol: eh di kapag gumawa na ako ng meron...

anghel: (pumikit ulit)

Errol: sa katunayan lahat ng nakikita mo ngayon ay pinagpaguran ko...

anghel: ang dami mo na palang nagawa.....

ang moral ng kwento: mahirap ang walang ginagawa, nakakabaliw..

Currently listening to: wala
Currently reading: wala
Currently watching: wala
Posted by errol at 08:05 AM in Mga kapit bahay..... | 2 mga nakapansin