Entries for August, 2005

August 23rd, 2005

Guguhit ako ng isang pag-asa....

Ala una ng hapon dito sa Qatar.. Nuod ako ng TFC (the filipino channel) TV patrol pa nga yun eh. pero hnde ako nasiyahan. La na kaseng magandang balita, nawala na din ang isyung pulitikal tungkol sa manlolokong presidente. Kurakot, magnanakaw at manlulokong presidente pala. eto ang eksena ng hapon na iyon.

Nanay: (kararating lang galing trabaho) musta 'nak? ano balita?

Errol: Ayun, ganon pa den nay. Puro patayan at pagtaas ng gasolina.

Nanay: Ano ba yan? Lagi na lang bang ganyan?

Errol: Ewan ko ba, dat hinde n tayo nanunood ng TV eh. Maaasar ka lang.

Nanay: Yung tungkol kay Gloria? Ano na nangyari?

Errol: Ganun pa den. Parang hindi umuusad. Lam mo naman sa atin, nabibili ang batas.

Nanay: ay oo nga pala....

Errol: La na ngang magandang nangyayari sa pilipinas...

( mobile phone message alert.......)

1 message receive....

<mahal kong asawa>.. Hi mahal, musta na po? ingat ka lagi jan ha? mahal na mahal kita.....

Errol: (napangiti...) kahit na ganun.. excited pa rin akong umuwi sa pilipinas.. Nandun magina ku eh..

Nanay: kumain ka na ba? eto may dala akong ulam... halika na..

Errol: buti pa nga kain na tayo....

(sabay lipat ng channel........)

Posted by errol at 10:36 AM in Mga kapit bahay..... | reaksyon??

kung isa akong painting? bibilhin mo ba ako?

 

Posted by errol at 12:48 PM in Mga kapit bahay..... | reaksyon??

August 27th, 2005

Marami akong sana....

marami akong sana

sana ang tula ay pwedeng sakyan.
ipamasahe papuntang japan.
pwedeng gawing unan
ng mga batang lansangan.

sana pwede itong ipambayad ng matrikula.
sana pwede itong isuot,
isaing,
ikwintas,
inumin,
ulamin,
isapaw sa sinaing.

sana tanggapin itong pang-entrance
sa mayrics.
ipambili ng kape sa starbucks.
ipang dreadlocks,
ipang load sa cellphone.
ipang 3 ft long stuff crust pizza.
ipang enchanted kingdom,
ipakain sa arowana,
ibili ng video cam,
ng flat tv,
ng pc,
ng chuck taylor,
ng electric guitar,
ng discman.

sana ang tula ay pwedeng
ipantubos sa naisanlang kuwintas.
ipandeposito sa ospital para sa asawang
na-ceasarian.

at sana din ang tula ay pwedeng
magpayaman.
pwedeng ikabit sa aking pangalan.
sana lang....
para di ko naman isiping
isa akong kabiguan.

 

kathang isip ni proxima centauri....

Posted by errol at 02:00 PM in Mga kapit bahay..... | 2 mga nakapansin

August 28th, 2005

Balik timba at konteyner..

                Halos magtatatlong buwan na ako dito sa Qatar.. Pero tandang tanda ko pa ang problemang iniwan ko nuon sa pilipinas. "ang tubig" isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, pero naipagkakait sa pilipino. Tumawag ako dati sa opisina ng maynilad para sabihin ang problema, ang sagot sa akin "mahina ang pressure". Itinanong ko kung anong solusyon sa problema ang maaari kong asahan sa kanila. pero walang isinagot sa akin ang kausap ko kundi sa tip na... "may tubig naman po sa gabi.. pwedeng magipon.." Reklamo nga ng isang kapitbahay namen. La naman sila alam gawen kundi ang magpaganda ng disenyo ng resibo chaka magtaas ng singil, naknamputa..

Nagchachaga na lamang kaming magkakapit bahay sa pag-igib sa kapwa kapit bahay na merong deepwell. Nakakaines lang, napapalaki yung gastos ng bwat pamilya. Isipin mo na lang na trenta pesos ang isang oras na igib. Nagkaroon nga kami ng degripong tubig nung 1995, pero sa loob lamang ng isang dekada balik timba at konteyner na.

Ang ganitong kwento ay hindi isang reklamo sa hirap ng pagiiigib, kundi katanungan tungkol sa pangunahing serbisyo na hindi na yata natitikman ng ng maraming pilipino. Naniniwala akong may tinatawag na low pressure area o lugar na talagang hirap sa tubig, pero kung araw araw na lang low pressure, at low pressure area na ang buong bansa, hindi kaya oras nang diligan ang tuyong sistema?

Posted by errol at 09:13 AM in Mga kapit bahay..... | 2 mga nakapansin

August 29th, 2005

ngayon ikaw ay nagbalik

katulad ko rin ang 'yong pananabik

na makita ang dating kanlungan

ang tahanan ng ating tula at pangarap

ngayon ay naglaho na, saan hahanapin pa?

pana-panahon ng pagkakataon

maibabalik ba ang kahapon?

Currently listening to: Noel cabangon at ang buklod
Posted by errol at 09:19 AM in Mga kapit bahay..... | reaksyon??

August 31st, 2005

wala akong maisep na gawin sa mga oras na to kundi ang tumanga. la kaseng pasok eh. tas mis ko pa si cake..

Posted by errol at 01:42 PM in Mga kapit bahay..... | reaksyon??