Hindi po aku patay... lumipat lamang ng bahay...
isang araw may isang anghel na bumaba para kausapin ako...
anghel: ano ginagawa mo?
Errol: wala....
anghel: wala kang pinagkakaabalahan?
Errol: meron...
anghel: ano?
Errol: eto ang pinagkakaabalahan ko, gumagawa ako ng wala...
anghel: wala kang ginagawa?
Errol: hinde! iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala... pumikit ka.. ano ang nakikita mo?
anghel: wala....
Errol: yan ang ginagawa ko, gumagawa ako ng wala...
anghel: pano yun? pano mo malalaman pag tapos ka ng gumawa ng wala?
Errol: eh di kapag gumawa na ako ng meron...
anghel: (pumikit ulit)
Errol: sa katunayan lahat ng nakikita mo ngayon ay pinagpaguran ko...
anghel: ang dami mo na palang nagawa.....
ang moral ng kwento: mahirap ang walang ginagawa, nakakabaliw..
ito po ay isang tula na ginawa ng isang matalik na kaibigan na si Dan Gerald Gravela para sa pumanaw kong anak na si krinasia caitlin mamaclay
magiisang taon na rin, pero ang hirap pa rin tanggapin...
salamat chong!
Patawad munting Anghel,
Kung hindi mo nasilayan ang mundong ito,
Kung hindi mo naranasan ang halik at yakap,
Ng mga taong nagmamahal sa’yo..
Ikaw nga’y ipinagkaloob sa amin,
Ngunit saglit lang at ika’y binawing muli,
Siyam na buwan ang aming hinintay,
Ngunit ika’y binawian agad ng buhay..
Hindi man lang namin narinig,
Ang kauna-unahan mong pag-iyak,
Hindi man lang namin naranasan,
Ang ihahandog mo sanang kaligayahan..
Hindi ka namin malilimutan,
Ang unang Anghel sana ng barkada,
Baunin mo ang aming panalangin,
Paalam muli, munting Kerubin..
"ill have a one grande ice cofee please!" sabe ng isang konya girl nung nasa pilipinas pa ako.. Dumaan kame ni cake sa starbucks dun sa may SM. Ewan ko lang ha, pero tingin ko sa atin yung starbuck e ginagawa na nilang gimmick place. Para bang status symbol... Nakakatuwa naman, kase habang nakikita mo yung mga tao habang lumalaklak sila ng napakaraming caffeine sa katawan e tuwang tuwa pa. Sabi ko nga sa isa kong konyong kaklase ano bang meron sa starbucks? kung kape rin lang e di dun ka na lang kila aling beth (kainan sa may quiapo) o kaya e umattend ka sa mga lamayan, chak napakadaming kape dun. sabay sagot ng "you dont understand pareeee, starbucks coffee is different. oo nga, talagang different. mahal eh.. tas pagsinabi mo yan sa mga konyong anak ng dyos eh sasagutin ka lang ng.. "duh, starbucks is not just a coffee no.. they are ground beans and processed chocolate and skimmed milk! what do you know about that?" syet talga, tas pag nasa starbucks ka e kailangan bongga ung cellfon mo, sa dami ng mga tambay dun na puro magaganda ang cell. Tangina nagpapaloko lang tayo eh. pero eto pa ang matindi, pagdating ko dito sa qatar nalaman kong hindi lang pala tayo ang nabiktima ng halimaw na kung tawaging ay "starbucks". Pati mga Qatari eh ganun din ang gawain. kabulsyetan talaga.. well, thats life...
" please give me one black coffee please"
nagsimula na naman akong maglakad ng walang dereksyon
nakakapagod pero masaya kahit papano
may saysay pa ba ang lahat ng ginagawa ko
baka niloloko ko na lamang ang sarili ko?
kung pagod na ako,
ba't di pa ako tumigil?
may dahilan pa marahil..
tara....
sabi nila hindi mo daw malalaman ang tunay na pagkatao
sa mga nagawa nya o kinilos nya
kundi kung papano sya bumangon
sa kabila ng napakabigat na problemang dinanas nya
pakiramdam ko tuloy insekto ako
lumilipad sa masukal na gubat
wala akong maisep na gawin sa mga oras na to kundi ang tumanga. la kaseng pasok eh. tas mis ko pa si cake..

ngayon ikaw ay nagbalik
katulad ko rin ang 'yong pananabik
na makita ang dating kanlungan
ang tahanan ng ating tula at pangarap
ngayon ay naglaho na, saan hahanapin pa?
pana-panahon ng pagkakataon
maibabalik ba ang kahapon?
Balik timba at konteyner..
Halos magtatatlong buwan na ako dito sa Qatar.. Pero tandang tanda ko pa ang problemang iniwan ko nuon sa pilipinas. "ang tubig" isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, pero naipagkakait sa pilipino. Tumawag ako dati sa opisina ng maynilad para sabihin ang problema, ang sagot sa akin "mahina ang pressure". Itinanong ko kung anong solusyon sa problema ang maaari kong asahan sa kanila. pero walang isinagot sa akin ang kausap ko kundi sa tip na... "may tubig naman po sa gabi.. pwedeng magipon.." Reklamo nga ng isang kapitbahay namen. La naman sila alam gawen kundi ang magpaganda ng disenyo ng resibo chaka magtaas ng singil, naknamputa..
Nagchachaga na lamang kaming magkakapit bahay sa pag-igib sa kapwa kapit bahay na merong deepwell. Nakakaines lang, napapalaki yung gastos ng bwat pamilya. Isipin mo na lang na trenta pesos ang isang oras na igib. Nagkaroon nga kami ng degripong tubig nung 1995, pero sa loob lamang ng isang dekada balik timba at konteyner na.
Ang ganitong kwento ay hindi isang reklamo sa hirap ng pagiiigib, kundi katanungan tungkol sa pangunahing serbisyo na hindi na yata natitikman ng ng maraming pilipino. Naniniwala akong may tinatawag na low pressure area o lugar na talagang hirap sa tubig, pero kung araw araw na lang low pressure, at low pressure area na ang buong bansa, hindi kaya oras nang diligan ang tuyong sistema?
